NAGHIHINTAY PA RIN
By BJ
Gusto Kung Maniwala Sa Hiwaga Ng ‘Yong Mga Salita,
Na Ito’y Hindi Sana Kukupas Hanggang Sa Ating Pagtanda;
Ang Diwa Ng Bawat Letra Mo’y Parang May Himig Na Kinakanta,
Na Sa Aking Pagtulog At Pag Gising, Sa Isip Ko’y Di Na Makukuha.
Sa Aking Pag-Iisa, Sa Mga Sandaling Ika’y Hindi Kapiling
Wala Nang Ibang Hahanapin, Puso Ko’y Ikaw Lamang Ang Hiling;
Wari Ko’y Mga Hadlang Ay Pawang Silbing Mga Gabay,
Mga Talang Sumasabay Habang Tayo’y Patuloy Sa Ating Paglakbay.
Panaginip Ay Naidlip Nang Ika’y Mawala Na Nang Lubusan,
At Masayang Alaala Pilit Na Iniiwasan- Wala Rin Namang Kabolohan;
Walang Silbi Ang Kapatawaran Kung Ang Puso Na Ang Masugatan,
Tila Hindi Handa Sa Iyong Paglisan, Sa Pag Suko Mong Tila Biglaan.
Dama Ko Man Ay Pagod Sa Isang Kahapong May Bahid Ng Pait,
Ngunit Wala Pa Rin Alintanang Sa ‘Yo’y Mahulog At Maakit;
Ako Ma’y Lulong Pa Rin Sa Galit, Dinadala Na Lang Sa Pananahimik;
Di Bale Nang Akoy Walang Imik… Nakaraa’y Di Na Ba Maibabalik?
Kahit Kalian Paglaya Ay Tila Parusa Lalu Na’t Ika’y Lumayo Na,
Minsa’y Di Talaga Maiwasan Dumaloy Ang Mga Luha Dulot Ng Pagluluksa;
Mapagmakundagang Damdaming Na Palaging Pangalan Mo Ang Sigaw,
Tila Naghihintay Ng Umaga Sa Takip-Silim, Masilayan Lamang Ang ‘Yung Pagdungaw.